Minsan Isang Prosti

Dumaan ang gabi,

Gumulong ang sikat ng araw,

Sa kalsada’t tabi-tabi ,

Muli akong bumaybay.

 

Alam kong may nawawala,

Hindi ko maalala.

Kinapa ko ang bulsa,

Dalawang daan ang nakuha.

 

Maalinsangan ang umaga,

Hindi ko ito ininda.

Madla’y sa akin nakatingin,

Mula ulo hanggang paa.

 

Sa dako paroon,

Muling sumuong,

Sinisipat ang mga aninong,

Nakakalat sa maghapon.

 

Alam kong may nawawala,

Matandaan ma’y hindi magawa.

Bumali ako sa bangketa,

Kung saan ginising ng umaga.

 

Doon may nakapila,

Kumakaway sa mga motorista.

Pumara ang isa,

Inaya ang isang dalagita.

 

Sa aking kinatatayuan,

May humintong sasakyan.

Nanuot na sa aking isipan,

Ang nawawala pala’y aking dangal.

 

Advertisements

Leave a reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s